Sunday, 10 May 2009

Da King

Thursday, halfday lang kami sa office at pauwi na kami sa aming accomodation. Nasa shuttle na kami, ang shuttle nga pala namin dito ay isang bus na katulad ng MALTC, yun bang kulay orange na bumabyahe dyan sa atin na Ayala to Marikina... Napakainit na ng panahon pero pinili pa rin ng mga pinoy na sumakay sa ganitong klase ng bus, ordinary kumbaga sa atin at walang aircon. Tatagaktak talaga ang pawis mo kaya si Manong Rolly ay laging may baong pamaypay ngunit kami'y nagtitiis na lang.

Naitanong ko tuloy kung bakit nagtatyaga kami sa walang aircon na bus?

Ang sagot sa akin ay ganito: "Alam mo dati aircon ang bus natin pero di talaga ubra pag baba mo hindi ka nga pinawisan pero am baho-baho mo naman, amoy putok ang buo mong damit, dumidikit ang amoy na parang di ka rin naligo, eh di magtiis na lang sa init!"
Napatawa ako bigla, kaya wala na lang ako sinabi, inisip ko na lang na nag i snow na sa lamig ha ha.

Sa gitna ng mahabang kalye na binabagtas namin ng huwebes na iyon ay pinatigil kami ng isang pulis, oo, may pulis din sila, chocolate ang suot, eto daw yung mga unang tumatakbo at nagtatago pagka nakakita ng mga terorista...

Pinababalik ba naman kami at lahat ng dumadaan na bus at truck sa daanang iyon at biglang nagsalita ng kanilang lengwahe sa driver naming itik na walang magawa kundi umikot at bumalik sa ruta na aming pinanggalingan.
Kaya lang ay walang ibang daan papunta sa uuwian namin kaya kami'y napilitan na lamang huminto at mag stop over sa isang malapit na supermarket.

Doon ko nalaman sa mga pinoy na cashier na ang hari daw ng Saudi ay naroroon sa kanyang tila rest house na castle na aming daraanan at naliligo  daw siguro sa beach kaya hindi magpadaan dahil sa seguridad. Hanggang hapon kami naghintay na halos pumuti na ang aming mga mata ay naliligo pa rin ang hari.

Inisip ko na lang na ganito lang kababaw ang hari naliligo lang sa beach eh yung sa amin naliligo sa salapi...

0 comments:

Post a Comment