Wednesday, 29 April 2009

ATM

Maraming pinoy ang makapagkawanggawa at likas din sa atin ang pagtulong at hospitalidad. Global depression na nga yata kaya ang lahat halos ng bansa sa buong mundo ay naapektuhan nito. Oo, pati ang aming kumpanya na malaki ang investment sa mga financial company sa abroad ay nakaramdam din ng malaking pagbabago sa paghihikahos na ito.

Marami na nga ring pinoy ang nale lay-off sa amin kasama ng iba pang mga lahi. Ngunit mas lalong nakakaawa yung ibang mga pinoy na nasa maliliit na kumpanya dito sa Saudi. Meron kaming mga kasamahan dito na may mga kakilala sa kanila na kapag gabi'y kumukuha ng mga sobrang pagkain sa aming mess hall upang ibalot at ibigay sa kanila kinabukasan.

Hirap na hirap na nga ang ibang mga OFW dito, ATM na nga daw ang suweldo nila. Ang tanong ko'y "bakit naman maghihirap eh nasa bangko pala ang sahod nila?" Ngunit 'After Two Months' pala ang ibig sabihin ng A.T.M. at minsan pa nga raw ay 'After Three Months' ibinibigay ng kanilang mga amo ang kanilang sweldo at idinadahilan ang mga kaganapan sa ekonomiya.

Subalit matagal na raw itong nangyayari dito lalong lalo na sa mga maliliit na kumpanya at ang mga kapwa naming pinoy ay nagtitiis na lang kahit na walang maipadalang pera sa kanilang mga mahal sa buhay. Iniisip nilang pag sila'y umuwi'y mas lalong mahirap kung tatambay sila ng matagal.

Kung nadarama lang sana ng gobyerno ang paghihirap namin dito at ng iba pang Filipino sa ibang parte ng mundo, kung pinahahalagahan lang sana nila ang mga pasakit na iyon, di sana'y walang magiging baboy na pulitiko...

1 comment:

  1. Pray na lang natin na ang mga SWINE na pulitiko ay magFLEW away na dito sa pinas.

    ReplyDelete