Friday, 24 April 2009

Movie Marathon

Yan ang isa sa libangan ng mga pinoy dito maliban sa pag cha chat sa internet. At sino maysabing sa PIlipinas lang maraming pirata na nag aalok ng ‘dvd-dvd!’, andito ang original na accent ng ‘dvd-dvd’ nayan ha ha. Minsan pa nga ay may lalapit sayo na mga ‘native’, na nag-aalok ng cellphone, dvd o piratang software na walang pinagkaiba sa Pinas jan sa may Quiapo o kahit sa Ayala. At sinumang lapitan ay biglang iiling, tatanggi at lalayo na para bang merong sakit na ketong ang kawawang native.
Marami din naman kaming napapanood dito, updated din sa mga bagong palabas, salamat sa internet sharing websites tulad ng ‘the pirate bay’ na isinara na ata at ikinulong pa ang may ari nito sa kasalanan ng isang katulad ko. At kung gusto naman naming manood ng mga lumang movies na paulit-ulit ay nariyan ang HBO, Star Movies at karamiha’y mga Indian Channels na 20 Rial lang ang buwanang bayad sa mga ‘Itik’ na cable operator dito. 


0 comments:

Post a Comment