Saturday, 14 March 2009

WoW pinoy

Sa kinainan namin doon ay sobrang mahal kung ito'y bibilhin ang maliit nilang mineral water na ang tatak ay 'alain' ay nagkakahalaga ng US$1.39, mataas pala talaga ang standard of living doon. Ang isang tasa ng kanin nga ay 15 dirham subalit ang chicken hotdog at french fries ay 10 lamang kaya nagtyaga na lang kami dun sa hotdog nung ginutom kami mga alas tres na ng hapon. Kahit na mahal ay medyo nabawasan ang pag aalangan namin ng magbayad kami ay pinay ang kahera, si manang na sinuklian ang baon kong dollar para maibayad ko sa aming kinain na ang halaga ay humigit kumulang na 30 dirham. Naglibot libot kami sa mga duty free daw na boutique subalit ng tingnan namin ang mga presyo ay doble pa ang halaga kesa sa Pinas doon namin nakita ang ibang pinoy na store attendant sa mga gadgets at iba pa. 

0 comments:

Post a Comment