Sunday, 15 March 2009

Trip to Bahrain

Lumipad muli kami at makalipas lang ang isang oras ay nakababa na naman subalit gabi na iyon at kami ay nasa ibang bansa na naman. Maganda ang Bahrain open city din daw ito kaya malayang nakagagalaw ang mga tao na hindi na kailangan magsuot ng kung anu ano, pero maraming babae pa rin ang nakakulubong ng itim na parang di na nila kailangang huminga. Dumaan kami sa samut saring immigration ng Bahrain dahil kami ay makikiraan papuntang AlKhobar, Saudi sa pamamagitan lamang ng bus. Yun ang aming totoong destinasyon pero inabot pa rin kami ng hating gabi sa lahat ng mga check point para sa aming pasaporte.bisa at bagahe. Ganunpaman ay nagenjoy kami kahit papaano sa mga tourist attraction na handog ng mga magagara at nagtataasang building dito habang kami'y naglalakbay.

0 comments:

Post a Comment