Tuesday, 7 April 2009

Sand Storm

Nagpacheck up ako sa Pilipinas bago ako lumipad patungo dito, sabi ng duktor meron daw akong allergic rinatis, masyado raw sensitive yung ilong ko sa mga nalalanghap ko katulad ng dumi,usok,alikabok at kung ikaw ay di naligo sa umaga. Ito daw ay namamana at di na nagagamot subalit nako kontrol lamang, kaya pala ganun na lang kung ako ay mag sneeze, kung ang normal na tao ay nag hahatsing ng isang beses pag merong dust na pumasok sa kanyang ilong ako ay apat o limang beses. Naku pano na to! ang pinuntahan ko pa namang bansa ay laging may sand storm at hindi ito kayang iwasan. Eto ako ngayon inuubo na po pero sana masanay din ako sa ganitong klima at temperatura. 
Nung isang araw lang ay buong araw at gabi na may sand storm,pag ganito ay malabo ang kalawakan na parang foggy subalit sa halip na ulap ay mga buhanging pinong pino, kailangan talaga na may takip ka sa ilong kundi'y masama sa baga ang makalanghap ng maraming alikabok. Baka nga kapag ako'y nagpaxray dito ay disyerto na ang makita sa baga ko sa dami ng pumasok na alikabok. Kaya nagpaschedule ako sa ospital para tingnan kung pwede na bang ilipat sa Pilipinas ang desyerto na aking pinakatatago.
Kailangan talaga dito ng dust mask upang makaprotekta sa aking kalusugan at para kaming lahat ay magmukhang mga ‘Maskman’


0 comments:

Post a Comment