Friday, 10 April 2009

Good Fridays!

Di kami nakakapagsimba dito dahil wala namang simbahang kristyano at bawal pa nga kahit na anong bagay na may kinalaman sa kristyanong relihiyon mapa rosaryo,bibliya at larawan ng santo. May pasok din kami tuwing sabado at linggo, huwebes at biyernes lang ang day off pero ang huwebes ay half day pa nga.Kasalanan ang di mangilin subalit wala naman kaming magawa, alam naman ng nasa Taas ang aming sitwasyon tiyak ko. 
Day off namin ang mahal na araw, good friday nga ang tawag dito at lahat ng friday dito ay good dahil walang pasok at pwede kaming mag relax o mamasyal sa mall. Tuwing biyernes lang din kami nakakabawi ng tulog kahit maghapon at magdamag kami magkulong sa kwarto at magpahinga. Minsa'y namamasyal kami at namimili sa khobar saka kakain ng mga pagkaing di inihahain dito katulad ng sizzling seafoods at iba pang pagkaing di nakakasawa.


0 comments:

Post a Comment