Friday, 10 April 2009

Desalinated

Ito ang tubig dito, 'desalinated', galing kasi ito sa dagat at tinanggalan lamang ng asin sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na nagumpisa ata sa Estados Unidos kung hindi ako nagkakamali. Dito kasi'y desyerto kaya walang bukal na tubig sa ilalim ng lupa, tuyot, kaya ang lawak ng dagat ang syang pinagmumulan ng tubig. Subalit ang aming pang araw-araw na ginagamit na panligo man o panghugas ay maalat-alat pa kaya ito'y hindi pwedeng mainom. Meron lang sadyang na filter ng maayos at nakalaan para inumin. Yung ibang pinoy nga dito'y bumibili pa ng mineral water galun- galon para lang merong inumin na tiyak na malinis at di maalat. Kapag ika'y naligo sa shower ay para ka ring naligo sa dagat na hindi nagbanlaw buti na lang at hindi pa nagiging blonde yung buhok ko sa dami ng asin na natuyo dito. Hindi rin maaari na sabon lang ang iyong gamitin na wala man lang shampoo o conditioner kundi'y tiyak na pwedeng gawing kadena ang buhok mo na akala mo'y sinaniban ka ng lakas.

 

0 comments:

Post a Comment