Sunday, 12 April 2009

Dog barks

Magdadalawang linggo na kong inuubo sanhi ng lahat ng bagay na nagbago, mapaklima, alikabok, dumi o hangin at kung anu ano pa. Sabi nga nung ibang kasama ko dito eh kilala ko naman daw sila ay bakit ko pa sila tinatahulan, sabi ko'y paglalambing lang yun di mo lang ako maintindihan...

Doon nga sa room ko sa office ang mga kasama ko ay puro programmer na ibang mga lahi, bawal mag ingay ngunit ang tahol ko ay lalong pasaway ha ha. Di ko naman kasi makontrol kaya patawarin na lang nila. Ang sabi nga ng boss ko sakin, "You arrr just neww to Saudi Arrabia, you will still adjust to the climate..." Palestinian ang boss ko subalit Canadian citizen na, dual citezenship din tulad ng iba. Nagbakasyon nga sya ngayon sa Canada ng 10 araw kaya kami'y relaxed at walang ginagawa.

0 comments:

Post a Comment