Sunday, 12 April 2009

Pinoy Foods

Meron kaming pinoy na cook dito kaya pagkaing pinoy pa rin ang kinakain namin hiwalay sa mga pagkaing dilaw ng mga itik. Ngunit isang linggo lang ang schedule at ito'y ulit lang ng ulit kada isang linggo kaya kahit ikaw ay ma me memorize mo kung ano ang pagkain sa araw na ito. Sabi ko'y bakit hindi palitan o kaya'y gumawa ng buwanang talaan ng iluluto para naman humaba ang pagitan bago maulit ang isang partikular na pagkain. Ang sabi sakin nung ibang beterano dito ay hindi daw kasi yung pinoy cook ang gumagawa ng schedule kundi yung manager nya na ibang lahi at sya ay luto lang ng luto. Kung ano daw yung inabutan nila maraming taon na ang nakararaan ay yun pa rin daw ang sinusunod. 

Kaya pag ako'y umuwi sa Pilipinas wag n'yo akong lulutuan ng manok, mamoy naman... kasi dito'y malimit na ulam ay fried chicken, adobong chicken, kalderetang chicken, hotdog na chicken, langgunisang chicken at kung beef naman ang ulam na di ko kinakain ay bumibili ako sa 'bacala' o tindahan ng sausage na chicken. Galing no? Kulang na lang ay magka palong kami at lumaban ng derby. Kapag nga sabado ng gabi at sa ibang araw na isda ang ulam tulad ng daing na bangus at pritong galunggong ay tuwang tuwa ako, he he, mukha kasing sumasarap ito kaysa nung nasa Pinas ako.

Sana nama'y magbago ang pagkain namin, pwede naman kasing corned pork na asa lata ng corned beef o kaya purefoods hotdog na may label na chicken, o kaya naman ay shrimp tempura, alimasag at sari-saring seafoods. Pangarap lang yan!

2 comments:

  1. Puro ka pala chick(s)en dyan. Hehehe!!!

    Nakakatuwa mga entries mo. Sana tuloy tuloy ang pagbablog mo.

    ReplyDelete
  2. Bakit nga ba ganun? naalala ko nung pinadala ako sa Japan for training halos araw araw ang kinakain namin ay yakiniku at yung hipon nakalimutan panandali ang tawag sa lutong ito pero nung nagtagal parang sukang suka na ako sa lasa pero nung bumalik na akong Pinas saka ko hinanap hanap. At ganun din yun mga pagkaing Pinoy nung nangibang bansa ako hinanap hanap ko. :)

    ReplyDelete