Monday, 13 April 2009

'My Friend'

Sadiq ang tawag dito sa kaibigan, ang ibig sabihin nito sa wikang Ingles ay 'sincere friend', yan ang madalas tawagan dito kung tatawagin mo ang ibang lahi. Ngunit ang salitang yan ay nag evolve eka nga sa kahusayan ng mga pinoy mag innovate. Bawal dito ang lahat ng uri at klase ng alak, may mabibili ka nga rito sa 'baqala' na budweiser pero pag binasa mo na ay non-alcoholic ang label kaya kung ako ikaw ay bibili na lang ako ng rootbeer.
Subalit dahil nga sa kagustuhan ng mga pinoy na dalhin dito ang mga habit na kanilang ginagawa sa Pinas ay naimbento nila ang 'sadike o sadiqe', ito ay ang paghahalo ng yeast at asukal at pag eksperimento na parang destileriya. Nakabuo sila ng isang malinaw na katas na nakalalango katulad ng 'gin'. Ito ang kanilang iniinom kung gusto nilang magkatuwaan, tuwing may birthday at iba pa. Yan ang pinoy kaibigan talaga ang alak na tinawag nilang sadike at di mo talaga kayang paghiwalayin saan man sa mundo.

0 comments:

Post a Comment