Saturday, 14 March 2009

Round TRIP

Nakaupo kami sa gitna, sa may pakpak pero swabe nga dun at hindi magalaw mahirap nga lang makita yung view sa baba. Naitanong ko kasi sa boss ko yan kung san maganda ang pwesto sa eroplano, sabi nya sa gitna nga daw. 24 hours bago ang flight ay nakapag reserba na ko ng upuan sa pamamagitan ng online checkin sa website ng Etihad, ok yung feature at wala pa yata yun sa ibang airline. Number 24 kami na magkakatabi, tatlo kasi kaming sabay sabay na parehong kumpanya ang pupuntahan kaya ng makita ko sa website na pareho ang Reference number namin ikinuha ko na rin ng upuan. Boeing 777 yung eroplano at ito pa lang yata ang pinakamalaki sa mga ginawa na ng naturang kumpanya, tatluhan na tigtatatlo pa ang hanay ng mga upuan at kanya kanyang upuan ay may sariling 10" lcd tv na sabi sa kanilang website ay mas malaki kaysa sa economy class ng ibang airline. Mag ta take off na kaya meron ng arabic na nagsalita at ang display sa tv ay 'travel prayer from holy quran', tumahimik kami at nagdasal ng sang ayon sa aming relihiyon. Bumwelo na yung eroplano at lumipad ng pataas hangang sa maabot ang mahigit yata sa 30 libong talampakan ako namay panay ang nguya sa bubble gum na aking isinubo bago lumipad. Maya maya pa'y binigyan kami ng mga inumin, pagkain at head set. Inexplore namin yung touch screen na tv sa harapan at ang mga movies na pagkarami rami, ngunit nagulat ako dahil merong pelikulang Pilipino ngunit di ko pinili kasi ang title ay 'Ploning', wag magalit Juday fans he he! Nanood ako ng sari sari tapos sinubukan ko matulog sa background ng mga kanta ng 'The Police', naalimpungatan na lang ako dahil ang oras sa aking relo ay alas nwebe na, ala una nga pala kami ng madaling araw umalis sa Pinas at ang aking orasan ay Manila time pa. Dumungaw ako sa bintana subalit madilim pa rin, iba na nga pala ang time zone ng panig na ito ng mundo.Biglang merong nagsalita na sya daw ang captain at kami ay hindi makalanding dahil nakahold ang airport ng Abu Dhabi sa di ko malamang kadahilanan kaya kami ay umikot ng umikot hangang sa unti unting sumikat ang araw. Maiinit na, subalit walang humpay na pagikot ang ginawa ng eroplano sa pag aakala naming meron daw sand storm. Biglang nasambit nung kasama ko,"round trip tayo brod ah?" Ito po ang totoong meaning ng round trip dahil sa hindi makababa'y umikot na lang ng umikot.

0 comments:

Post a Comment