Saturday, 14 March 2009

The Flight

Malungkot ngunit pinipigil ko ang aking sarili, mababa lang din ang luha ko subalit ayaw kong umiyak o lumuha, iniisip ko ang mga masasayang alaala na lumipas at mga magagandang bagay na darating sa aming buhay sa kabila ng bahaghari. Inihatid ako ng aking asawa't mga anak at ng aking dalawang kapatid na babae sa airport, para akong nakalutang sa hangin, confuse at di alam ang gagawin.
Pumasok ako upang mag check in ng bagahe at ng ma isyuhan ng tiket nais kong lumabas sandali upang makahalik muli man lang at magbigay ng huling habilin at paalam at least ng personal ngunit ayaw na akong payagan ng babaeng gwardya. Umisip ako ng mga kasinungalingan para magdahilan na kunway meron pang naiwan at wala pang baong pera pero lahat ito'y di umubra, natawa na lang ako sa sarili subalit ng akoy sumuko na ay naawa siguro ang ale kaya akoy tinanong, "di pa ba kayo nagpapaalaman? sige bibigyan kita ng 5 minutes pero limang minuto lang!". Natuwa ako't nagpasalamat at kumaripas ng takbo palabas, dooy nadatnan kong naghihintay ang aking mag iina, umaasa na muli nila akong masisilayan kahit sandali man lang. Ang 5 minutes ay parang limang segundo lang sa ganoong mga sitwasyon, pinilit ko na ring ihakbang papasok ang aking mga paa sabay hatid ng tingin sa kanila sa aking likuran, eto na... ang aking asawa'y umiiyak na. Nagpigil pa rin ako ng konti pero nangilid ang luha ko, pumasok ako sa gate at bumalik sa Exit upang magpasalamat uli sa aleng gwardya saka upang kunin ang tiket ko na kanyang kinumpiska muna. "You are my angel!", yun ang nasambit ko pagkaabot nya sa akin ng tiket, tumawa sya ngunit sabi nung isa ay "bakit angel lang?" pero ako'y tumalikod na at umalis dahil ang baon ko lang pera ay sapat sa akin at ito'y naipalit ko na ng ibang currency.
Dumaan ako pagkatapos ng immigration at ang aking bag ay iniscan at ako'y biglang tinawag ng immigration pulis at ang aking bag ay pinalalapit sa kanya. Hinalukay ang laman ng aking hand carry at maya maya pa'y inilabas nya ang aking bagong spray na asa lata at ang aking toothpaste. Hindi raw yun pwede sa cabin, kung gusto ko daw eh ibagahe ko na lang yun ng solo sa isang bag o ihulog na lang dun sa box ng mga nakumpiska nila. Para hindi na tumagal ang usapan hinulog ko na lang, sayang! pero inisip ko na lang na ang gagamit nun eh yung walang wala sa Pinas,iskwater. Charge to experience sabi nga nila.

0 comments:

Post a Comment