Wednesday, 1 April 2009

The Pharaoh

Isa sa mga lahing nagtatrabaho dito ay mga taga Ehipto,oo yun yung merong mga pyramid at sa pinagdausan ng pelikulang 'the mummy'. Marami sa kanila dito ay matataas ang posisyon sa kumpanya dahil sabi nila sila daw ang 'builder ng Saudi Arabia', totoo nga naman yata dahil matagal na panahon na ang nakararaan,noong uso pa ang mga mummy at paraon sa Ehipto ay meron na silang magagandang teknolohiya na advanced kaysa sa ibang bansa sa asya o sa buong mundo man. Isang gabi ay meron akong nakausap na taga Ehipto, mukha nga syang matalino at may pinag aralan. Habang kami'y nag uusap ay naitanong ko sa kanya kung meron pa ba silang Pharaoh, ngumiti sya sakin at tumawa at sinabing 7 thousand years ago pa daw ang kahuli hulihang namunong paraon sa kanilang lugar. Natawa rin ako sa sarili ko dahil bigla lang kasing pumasok sa isip kong magtanong dahil tuwing ako'y makakakita ng Egyptians ay pumapasok sa isip ko ang kanilang kultura at magandang kasaysayan. Subalit taliwas sa aking mga sinabi'y marami din syang mga kalahi na walang pinagaralan na kung meron man ay hindi naman ganun kagagaling kumpara sa mga pinoy na ka level nya sa trabaho. Sabi nga nung isa kong nakausap ay kapag nakakita ka daw ng pinoy na gumagawa ng sira ay malala na ito ngunit kung ibang lahi katulad ng mga taga Ehipto, ito ay pagpapalit lang ng ink sa printer o pag lipat ng lugar ng mga aparato. Kaya lang ang isang negatibong resulta ng kagalingan ng mga pinoy dito ay ang hindi sa kanila pagpapahawak ng mga advanced na teknolohiya na ikinakatakot ng ibang lahi na maungusan sila, bihira din sila magpromote ng pinoy upang sila'y manatili sa ibabaw kahit mga walang nalalaman. Siguro'y hindi na talaga mawawala ang pulitika sa lahat ng bagay, kailangan siguro'y makibagay ka lang, bakit pa nga ba nagkaroon ng kurso sa kolehiyo na polsci o political science? Sa lahat ng bagay merong pulitika katulad ng ginawa noon ni Cleopatra sa mga Caesar ng Roma. 

0 comments:

Post a Comment