Wednesday, 1 April 2009

My new Room

Nakalipat na ko sa building K, ok naman yung room at meron na rin akong unlimited internet connection sa gabi na ako'y darating galing ng opisina. Kaya lang tuwing ako'y darating ay hating gabi na sa Pilipinas dahil sa 5 oras na diperensya, ang pangit ng timezone namin, sana lang 1 o 2 oras lang ang pagitan. May carpet din yung room ko at solo ang kama di tulad dun sa dati na kalawanging bakal na double deck. May sarili akong cabinet at study table at bago bago pang aircon na walang patayan sa buong araw kapag ako'y off sa trabaho. Kailangan kong bumili ng TV upang kahit papano'y makapanood ng mga paulit ulit na palabas galing sa Pinas, ang eat bulaga dito'y pinalalabas ng 3 beses sa isang araw. Magisa pa lang ako sa kwarto dahil yung kasama ko'y nakikitulog sa kanyang katropa na nagiisa sa kuwarto dahil yung kasama'y nagbakasyon ng 2 months d'yan sa Pinas.

0 comments:

Post a Comment