Saturday, 18 April 2009

Oh my gas...

Rial ang currency ng Saudi Arabia at halala ang tawag sa kanilang barya, ang 1 Rial ay binubuo ng 100 Halala at sa 50 halala dito ay bubble gum lang ang mabibili mo. Pero teka lang... mura nga pala ang gas dito, 45 halala lang kada litro ng 91 Octane na unleaded at yung 95 Octane naman na premium sa Pinas ay 60 halala lang. Kung pwede nga lang magpa LBC ng fuel ay matagal ko na ginawa o kaya naman ay mag email na may fuel attachment. Mas mura pa nga ito kaysa sa tubig kasi ang 350mL ng mineral water ay 1 Rial na ang halaga kaya kung matapang ang sikmura mo pwede na rin siguro tong inumin ha ha ha.

Eh bakit kaya hindi makadiretsong angkat ang ating bansa dito? Di sana ay di lalagpas ng sampung piso ang kada litro ng gas sa atin. Presyo pa naman nito ang malimit pagsimulan ng mga kaguluhan sa atin tulad ng welga, pagtaas ng bilihin, pagtaas ng pasahe at tigil pasada ng mga pampublikong sasakyan.

Minsan nga sumakay kami sa taxi dito, anak ng pating!, Camry yung taxi, mahal to sa Pinas ah! dumaan kami sa gasoline station at nagpakarga yung Itik na drayber ng full tank, ang binayaran nya lang ay 21Rial sa halos 48 Liters na karga ng sasakyan nya pero ang siningil nya sa amin ay 30 Rials mula sa city hangang sa aming camp kaya tubong lugaw ang itik...

At dahil nga siguro mura ang gas dito kaya siguradong mura na rin ang mga sasakyan. Malimit mong makikitang naka park lang sa tabi-tabi at nababalot ng isang pulgadang alikabok ang mga BMW, Mercedes benz, Lexus at iba pang luxury cars sa atin. Kung open city nga lang ang Saudi ay baka balakin na naming tumira dito kahit na may sand storm!

0 comments:

Post a Comment